^

Bansa

Moratorium sa death penalty giit alisin

-
Kailangang pakinggan ng gobyeno, laluna ni Pangulong Arroyo ang "clamor" o kagustuhan ng higit na malaking bilang ng mamamayang Pilipino na alisin na ang moratorium sa death penalty.

Ang pahayag ay ginawa kahapon ni Jamby Abad Santos Madrigal, spokesperson ng Kontra-Pulitika Movement (KPM), bilang reaksiyon sa paninindigan ni GMA na ito ay suspindihin nang walang taning na panahon.

"Ang death penalty ay dapat na ipatupad laluna sa mga heinous crimes, gaya ng drug trafficking, murder at kidnap-for-ransom na nagresulta pa sa kamatayan ng biktima," sabi ni Madrigal.

Ani Madrigal, apo ng bayaning si SC Chief Justice Jose Abad Santos, may umiiral na batas tungkol sa parusang kamatayan na ang layunin ay makatulong sa pagkontrol o pagsugpo sa krimen.

Ang moratorium o pansamantalang pagsuspinde sa parusang kamatayan ay inutos ng Pangulo bilang pagbibigay sa kahilingan ng simbahang Katoliko nang siya’y maupo bilang pangulo noong 2001.

"Isang major deterrent sa krimen ang death penalty laban sa mga taong nakagawa ng heinous crimes salungat sa paniniwala ng ilang tao na ito ay hindi makakatulong sa pagsugpo sa mga krimen," sabi pa ni Madrigal.

vuukle comment

ANI MADRIGAL

CHIEF JUSTICE JOSE ABAD SANTOS

ISANG

JAMBY ABAD SANTOS MADRIGAL

KAILANGANG

KATOLIKO

KONTRA-PULITIKA MOVEMENT

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with