Death convicts gagawing sundalo
November 26, 2003 | 12:00am
"Isailalim sa military training at gawing sundalo ang mga presong nakahanay sa parusang bitay kung tuluyang ibabasura ang death penalty."
Ito ang ipinanukala ni Bureau of Corrections Director Dionisio Santiago matapos tutulan ni Presidente Gloria Macapagal-Arrroyo ang pag-alis sa moratorium sa bitay.
Ayon kay Santiago, maaari nilang ipasailalim sa military trainings ang ibang inmates na nakapila sa bitay upang mapabagal ang paglobo ng bilang ng mga ito.
Ang nasabing panukala ay isusumite ni Santiago sa tanggapan ng Pangulo at inihalimbawa nito ang katulad na sistema sa bansang Thailand na ginagawa na lamang sundalo ang mga nahatulan ng parusang bitay.
Aniya, isinasailalim sa matinding pagsasanay o military training sa Thailand ang mga death convicts pagkatapos nito ay isasabak sa operasyon.
Gayunman, niliwanag ni Santiago na hindi nila basta-basta isasangga sa anumang operation o palalabasin agad sa training camp ang mga death convicts bagkus ay patuloy na isasailalim ang mga ito sa rehabilitasyon at pagtutuunan din ang livelihood programs.
Taliwas nito, sinabi ni Justice chief State Prosecutor Jovencito Zuño na mas makabubuti pa rin na ipatupad ng pamahalaan ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection upang patuloy na maramdaman ang ngipin ng batas.
Kung ihihinto aniya ang parusang bitay ay patuloy lamang na tataas ang bilang ng karumal-dumal na krimen sa bansa sanhi upang madagdagan ang mga death convicts. (Ulat ni Grace Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest