^

Bansa

Interes sa credit cards iimbestigahan

-
Dahil sa dumaraming reklamo ng mga consumer kaugnay sa ipinapataw na interes ng iba’t ibang kompanya ng mga credit cards, hiniling kahapon ng ilang mambabatas na imbestigahan ito.

Sinuportahan ni CIBAC Party List Rep. Kim Bernardo-Lokin ang panukala ni BUHAY Party List Rep. Rene Velarde na tingnan ang ipinapatong na interes ng mga major lending banks sa mga card holders.

Sinabi ng dalawang solon na dapat siguruhin ng House committee on banks and financial institutions na nabibigyan ng proteksiyon ang mga consumers na nagiging biktima ng ilang mapagsamantalang credit cards company.

Isang malaking negosyo na anila ang credit card at parami ng parami ng mga Pinoy na nalulubog sa utang dahil sa patung-patong na interes na ipinapataw ng mga kompanya.

Ayon sa ulat, ang ipinapataw na interes ng credit card firms ay nasa 3.5 percent per month o kabuuang 42 percent kada taon.

Hindi pa kasama sa nasabing tubo ang penalties para sa late payment at iba pang legal fees kung hindi nababayaran ang utang.

Ang lending rates ng mga credit companies ay mas mataas pa sa lending rates sa mga bangko na naglalaro lamang sa 15%-19% per annum. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

AYON

DAHIL

ISANG

KIM BERNARDO-LOKIN

MALOU RONGALERIOS

PARTY LIST REP

PINOY

RENE VELARDE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with