Nanawagan din si Rep. Barbers sa mga law enforcement agencies, justice system at taong bayan na magkaisa at magtrabaho ng husto para buwagin ang evil forces na nagpapabagsak ng ekonomiya.
Ginawa ni Barbers ang panawagan kaugnay ng tumataas na antas ng kriminalidad na kinasasangkutan ng kalakalan ng illegal na droga at mga insidente ng kidnap-for-ransom.
Ayon sa senador ito ay isang senyales sa mga sindikatong nasa likod nito na ang pamahalaan ay seryoso sa pagbuwag ng mga lawless elements sa ating lipunan.
Sabi ni Barbers, sa ilalim ng batas ang mga korte ay binibigyan ng 90 hanggang 180 araw para tapusin ang paglilitis at paghahayag ng kapasyahan o conviction.
Tinukoy ng senador na dati ring kalihim ng DILG, na ang mga kidnappers ay lubhang mabagsik sa pamamaraan ng kanilang pagdukot ng mga biktima.
Hindi na anya namimili ang mga kidnapper ngayon ng kanilang binibiktima, na kadalasa'y Fil-Chinese, kinikidnap na rin maging ang mga middle income earners ay kanilang binibiktima dahil hindi na kalakihan ang hinihingi nilang ransom.
Ayon pa kay Barbers, lubhang nakakaalarma ang kalagayang ito na isang hadlang kung bakit hindi umusad ang ekonomiya ng bansa na nagsaad pa na dapat madama ng lipunan na may kaayusan sa ating kalagayang pangkapayapaan. (Rudy Andal)