Pagbebenta ng ari-arian ng RP sa Japan inangalan
November 22, 2003 | 12:00am
Pumalag kahapon ang Senado sa plano ng pamahalaang Arroyo na isubasta ang apat na makasaysayng property ng Pilipinas sa Japan, upang matakpan lamang ang lumalaking budget deficit ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Senador Manuel Villar na kailangang humingi muna ng permiso sa Kongreso ang Malacañang bago maibenta ang mga ari-arian sa Japan.
Ipinaliwanag pa ni Villar na noong 1990, nagdesisyon ang Supreme Court na hindi maaaring ibenta ng Executive branch ang ari-arian sa Japan ng walang Congressional approval.
Isang resolusyon ang inihain ng senador upang pormal na maimbestigahan ng senate committee on foreign relations ang naturang bentahan.
Ipinapalabas ng pamahalaan na ang mga ari-ariang ito ay isasailalim lamang sa build-operate-transfer scheme subalit nanindigan si Villar na maituturing na itong isang uri ng "disposal."
Nakatakda umanong i-award ng gobyerno ang kontrata sa winning bidder ngayong Disyembre 7 para sa development ng 10,000 square meters na Philippine properties sa Tokyo at Kobe, Japan na balak gawing residential at diplomatic use.
Isa sa isusubastang ari-arian sa Japan ay ang Fujimi-Kudan property na siyang official residence ng ambassador. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest