Moratorium sa death penalty di aalisin
November 21, 2003 | 12:00am
Hindi aalisin ng Malacañang ang moratorium sa death penalty para lamang sampolan ang mga kidnappers na nahuli na ng mga awtoridad.
Ayon kay Presidential Deputy Spokesman Ricardo Saludo, matagal na pinag-isipan ni Pangulong Arroyo ang usaping ito kayat malabong dahil lamang sa pangungutya ni Senador Panfilo Lacson na siya (Pang. Arroyo) ay utu-uto sa Simbahang Katoliko ay papatulan na ito ng Palasyo.
"Itong pasya ng ating Pangulo ay pinag-isipan niya ayon sa katayuan ng krimen, sa mga batas, ayon sa kasaysayan ng pagsugpo sa krimen at saka ayon din sa moralidad. At itong mga bagay na pinag-isipan niya at higit sa lahat ang kabutihan ng taumbayan," sabi ni Saludo.
Naniniwala si Saludo na isang uri ng paninira lamang ang nagpakalat ng usapin na Simbahan lang ang pinakikinggan ng Pangulo sa kanyang patakaran ukol sa capital punishment.
Sinabi pa rin niya na hindi madaling pagbigyan ang hiling ng ilang sektor na sampolan ng Pangulo ang mga kidnappers ng parusang bitay dahil may polisiya o patakaran para sa pagpapatupad nito.
Bukod dito, wala rin anyang kidnappers ang papayag na maisalang sila sa lethal injection chamber na ang pawang nasasalang dito ay may kasong rape with murder o heinous crimes.
Samantala, unfair naman sa pamahalaan kung itutuloy nga ng Chinese community ang kanilang banta na aalis na lamang ng bansa kung magpapatuloy ang pambiktima sa kanila ng mga kidnap-for-ransom (KFR) gang lalo pat ginagawa naman nila ang kanilang makakaya upang labanan ang mga kidnapper.
Sa katunayan ay naging matagumpay naman ang paglutas ng mga awtoridad sa kidnapping incident kung saan nananalig siya na mayroon pang tagumpay na aanihin ang gobyerno laban sa krimeng ito na labis na kinatatakutan ng mga Tsinoy kaya nga aniya walang dahilan upang madaliin ang pagbabago ng polisiya ukol sa death penalty na tututok sa mga kidnappers. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended