Ito ang madamdaming pahayag ni Archbishop Jaime Cardinal Sin sa isang seremonya na idinaos para sa kanya sa Edsa shrine sa Ortigas, Pasig City isang araw bago ang pormal niyang pagbaba sa kanyang posisyon bilang arsobispo ng Maynila.
Ayon kay Sin, makakaasa ang publiko na hindi pa rin siya mawawala sa eksena at hindi titigil sa pagbibigay ng kanyang mga saloobin sa mga usapin sa politika kahit wala na siya sa puwesto.
Si Sin ay nakatakdang palitan ni Batangas Archbishop Gaudencio Rosales sa Biyernes matapos ang 30-taong pagiging arsobispo.
Ngayon umano na mawawala na siya sa posisyon ay makakaasa rin ang lahat na mas mapapadalas ang paglabas niya sa publiko dahil wala na siyang office work na gagampanan. (Ulat ni Edwin Balasa)