Umabot sa 42 mambabatas sa 69 miyembro ng komite na pinamumunuan ni Samar Rep. Marcelino Libanan ang bumotong "insufficient in substance" ang reklamo, samantala 6 ang nagsabing sapat ang substansiya ng impeachment complaint habang dalawa ang nag-abstain.
Magugunitang isinampa laban sa mga mahistrado ang unang impeachment complaint dahil sa umanoy paglabag ng mga ito sa Konstitusyon matapos panumpain ni Davide si Pangulong Arroyo sa kasagsagan ng Edsa Dos noong 2001.
Ibinatay ang reklamo sa librong "Reforming the Judiciary" ni Justice Artemio Panganiban kung saan nabanggit dito ang pag-amin umano ng mahistrado na nakikipagsabwatan ang mga hukom upang maluklok sa puwesto si Arroyo kapalit ni Estrada.
Ang mga nag-endorso sa unang impeachment ay sina Reps. Ronaldo Zamora, Rolex Suplico, Didagen Dilangalen, Gilbert Remulla at Emmylou Taino-Santos. (Ulat ni Malou Rongalerios)