Sinabi ni Special Prosecutor Dennis Villaignacio na ipagtatanggol ng Office of the Ombudsman ang integridad nito bilang isang constitutional body at hindi sila magpapadala sa pressure ng kahit sino.
Nilinaw ni Villaignacio na hindi binabraso ng Malacañang ang Ombudsman at may karapatan ang Pangulo na magbigay ng pahayag sa isyu.
Subalit katungkulan anya ng Ombudsman na harangin ang mosyon ng kampo ni Estrada na makalabas ng bansa at hindi pa rin nagbabago ang kanilang posisyon.
Magugunitang ipinahayag ng Palasyo na payag na si Pangulong Arroyo na makapagpa-opera si Estrada sa Amerika para magkaroon na ng reconciliation.
Pero nanindigan si Villaignacio na hindi na kailangan pang lumabas ng bansa ni Estrada kung gusto talaga nitong magpa-opera.
Ibinigay niyang halimbawa ang mga nakaraang testimonya ng mga testigong humarap sa Sandiganbayan na maraming doktor sa bansa ang puwedeng mag-opera sa dating pangulo.
Idinagdag ni Villaignacio na ang gagamiting implants para sa may rayumang tuhod ni Erap ay ginagawa lamang sa Laguna.
Puwede rin anyang magtungo sa bansa si Christopher Mow ng Standford Medical Center. (Ulat ni Malou Rongalerios)