^

Bansa

Erap treatment sa Amerika haharangin ng Ombudsman

-
Hindi papayag ang Ombudsman na makalabas ng bansa si dating Pangulong Estrada kahit pa nagpahayag ang Malacañang na payag itong makapagpa-opera sa tuhod sa Estados Unidos ang dating pangulo.

Sinabi ni Special Prosecutor Dennis Villaignacio na ipagtatanggol ng Office of the Ombudsman ang integridad nito bilang isang constitutional body at hindi sila magpapadala sa pressure ng kahit sino.

Nilinaw ni Villaignacio na hindi binabraso ng Malacañang ang Ombudsman at may karapatan ang Pangulo na magbigay ng pahayag sa isyu.

Subalit katungkulan anya ng Ombudsman na harangin ang mosyon ng kampo ni Estrada na makalabas ng bansa at hindi pa rin nagbabago ang kanilang posisyon.

Magugunitang ipinahayag ng Palasyo na payag na si Pangulong Arroyo na makapagpa-opera si Estrada sa Amerika para magkaroon na ng reconciliation.

Pero nanindigan si Villaignacio na hindi na kailangan pang lumabas ng bansa ni Estrada kung gusto talaga nitong magpa-opera.

Ibinigay niyang halimbawa ang mga nakaraang testimonya ng mga testigong humarap sa Sandiganbayan na maraming doktor sa bansa ang puwedeng mag-opera sa dating pangulo.

Idinagdag ni Villaignacio na ang gagamiting implants para sa may rayumang tuhod ni Erap ay ginagawa lamang sa Laguna.

Puwede rin anyang magtungo sa bansa si Christopher Mow ng Standford Medical Center. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

CHRISTOPHER MOW

ESTADOS UNIDOS

MALACA

MALOU RONGALERIOS

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

SPECIAL PROSECUTOR DENNIS VILLAIGNACIO

STANDFORD MEDICAL CENTER

VILLAIGNACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with