Ito ang naging dahilan ni Sr. Supt. Andres Caro II, ASG director, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng committee on justice and human rights na pinamumunuan ni Sen. Francis Pangilinan kaugnay sa naganap na take over sa NAIA terminal 2 control tower.
Iginiit ni Supt. Caro sa mga senador na kaya napilitan ang assault team na barilin si Villaruel ay dahil sa pag-aakalang cellfone bomb ang hawak nito.
Ginawa ni Caro ang pag-amin matapos ibunyag ng PNP-Crime Laboratory na nagsagawa ng awtopsiya sa bangkay ni Villaruel na halos binaril ng "point blank" si Villaruel dahil sa power burns na naiwan sa may tainga nito.
Pero hindi kumbinsido ang mga senador sa naging palusot ni Caro na kaya binaril ng assault team ng malapitan si Villaruel ay dahil sa inakalang cellfone bomb ang hawak nito.
Ayon kay Sen. Rodolfo Biazon, puwede namang hindi na barilin ng fatal shot si Villaruel dahil disabled na ito sa unang atake pa lamang ng assault team at halimbawa mang cellfone bomb ang hawak nito ay mga bomb experts naman ang SWAT na sumalakay dito at kaya nilang i-dispose kung bomba man ito.
Ayon kay Chairman Wilhelm Soriano ng Commission on Human Rights, dapat kasuhan ng murder ang mga assault team na sumugod at bumaril kina Villaruel at Ltsg. Ricardo Catchillar dahil buhay pa ang dating ATO chief pero muli nila itong binaril sa ulo. (Ulat ni Rudy Andal)