^

Bansa

4 lugar idedeklarang tourism areas

-
Apat pang magkahiwalay na lugar sa bansa ang idedeklarang tourism areas matapos pumasa sa Kamara ang apat na panukalang batas hinggil dito.

Kabilang sa mga isasama sa tourist spots ang Tagbibinta Falls at ang mga kalapit nitong lugar sa Barangay Coronobe, Marasugan, Compostela Valley; Tappia Waterfalls sa Barangay Battad, Banaue, Ifugao; Gigantes Island sa Carlas, Iloilo; at buong probinsiya ng Ifugao bilang eco-tourism destination.

Ang pagdedeklara sa mga nasabing lugar bilang tourist spots ay pumasa sa House committee on tourism na pinamumunuan ni Albay Rep. Krisel Lagman-Luistro.

Layunin nito na palakasin ang turismo sa bansa sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga lugar na dapat bisitahin ng mga turista. Hiniling ng mga mambabatas na bigyan ng karampatang pondo ng Kongreso ang lalong pagpapaganda ng mga nabanggit na lugar upang mas dayuhin ito ng local at foreign tourists. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALBAY REP

BARANGAY BATTAD

BARANGAY CORONOBE

COMPOSTELA VALLEY

GIGANTES ISLAND

IFUGAO

KRISEL LAGMAN-LUISTRO

MALOU RONGALERIOS

TAGBIBINTA FALLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with