^

Bansa

Pedestrian Safety Law ipasa na

-
Nanawagan kahapon si Congw. Cynthia Villar sa liderato ng Kamara para sa agarang pagsasabatas ng House Bill 972 o Pedestrian Safety Law upang maiwasan na ang mga aksidente sa kalsada dulot ng mga harang, ginagawang hukay at mga konstruksiyon na ginagawa sa tabi ng daan.

Ang panukalang batas na kasalukuyang nakabinbin pa rin sa House committee on public works and highways ay nagdedeklara sa lahat ng traffic at pedestrian obstruction bilang "nuisance" at dahil dito, binigyang kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na agad itong baklasin na hindi na kailangan ang permiso ng hukuman.

Ani Villar, maraming buhay na ang ibinuwis dahil lamang sa mga harang, butas at iba pang abala sa mga kalsada. Isa na rito ang malagim na aksidenteng nangyari nitong Undas kung saan siyam katao ang namatay ng mahulog ang isang pampasaherong dyip sa malalim na hukay ng ginagawang gusali sa Pasig na nasa tabi ng kalsada.

Inamin ni Villar na hindi pa sapat ang ginagawang aksyon ngayon ng MMDA na pagbuwag sa mga illegal na konstruksiyon sa mga sidewalk dahil marami pa rin ang sumusuway sa itinatadhana ng batas.

Ani Villar, hindi lamang ang pagsasaayos ng daloy ng trapiko ang dapat bigyang atensiyon kundi higit sa lahat, ang kaligtasan ng mga pasahero at pedestrian. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANI VILLAR

CONGW

CYNTHIA VILLAR

HOUSE BILL

INAMIN

ISA

KAMARA

MALOU RONGALERIOS

PEDESTRIAN SAFETY LAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with