Sa reaksiyon ni DOJ Undersecretary Jose Calida, sinabi nito na hindi dapat ma-pressure si Yadao kaya kung hindi nito kaya ay magbitiw na lamang ito sa tungkulin bilang hukom.
Iginiit pa ni Calida na dapat ay pinag-aralang mabuti ni Yadao ang ebidensiya at rekord ng kaso na isinumite sa kanya ng prosecution panel bago ito nagdesisyon.
Hindi aniya dapat na magbigay ng reaksiyon si Yadao na hina-harass siya ng prosecution at napi-pressure siya ng pamahalaan.
Wala aniyang dahilan ang kampo ni Lacson upang akusahan sila ng pangha-harass kay Yadao.
Nilinaw ni Calida na isa lamang sa option ng DOJ ang pagsasampa ng disbarment laban kay Yadao matapos ang kautusan nito na ibasura ang Kuratong case laban kay Lacson. (Ulat ni Ludy Bermudo)