^

Bansa

'Yadao,kung napi-pressure ka magbitiw ka na ! -DOJ

-
Tinapatan kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang pagbabanta ng isa sa abugado ni Senador Panfilo Lacson na maghahain ng contempt charges laban sa prosecutor sa pamamagitan naman ng hamon na magbitiw na sa tungkulin si Quezon City Regional Trial Court Judge Ma. Teresa Yadao.

Sa reaksiyon ni DOJ Undersecretary Jose Calida, sinabi nito na hindi dapat ma-pressure si Yadao kaya kung hindi nito kaya ay magbitiw na lamang ito sa tungkulin bilang hukom.

Iginiit pa ni Calida na dapat ay pinag-aralang mabuti ni Yadao ang ebidensiya at rekord ng kaso na isinumite sa kanya ng prosecution panel bago ito nagdesisyon.

Hindi aniya dapat na magbigay ng reaksiyon si Yadao na hina-harass siya ng prosecution at napi-pressure siya ng pamahalaan.

Wala aniyang dahilan ang kampo ni Lacson upang akusahan sila ng pangha-harass kay Yadao.

Nilinaw ni Calida na isa lamang sa option ng DOJ ang pagsasampa ng disbarment laban kay Yadao matapos ang kautusan nito na ibasura ang Kuratong case laban kay Lacson. (Ulat ni Ludy Bermudo)

CALIDA

DEPARTMENT OF JUSTICE

IGINIIT

LACSON

LUDY BERMUDO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE MA

SENADOR PANFILO LACSON

TERESA YADAO

UNDERSECRETARY JOSE CALIDA

YADAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with