^

Bansa

Taxi drivers na tatanggi sa pasahero,mamimili ng ruta,kwidaw kayo !

-
Naghain si CIBAC Partylist Rep. Kim Bernardo Lokin ng isang panukalang batas na naglalayong mailatag ang panuntunan para sa operasyon at pamamasada ng mga taxi sa bansa at upang masawata ang masamang asal ng ilang taxi drivers at operators.

Sa kanyang paghahain ng House Bill 6559, ipinaliwanag ni Lokin na ang lahat ng kumpanya ng taxi ay naatasan sa kanilang franchise agreement at ng Land Transportation Franchising Regulatory Board na ihatid ang kanilang pasahero sa kanilang mga destinasyon.

Subalit, ani Lokin may mga abusadong taxi drivers at operators ang madalas na lumalabag sa nasabing "franchise agreement" sa pamamagitan ng pagtanggi na maghatid ng pasahero dahil umano sa mabigat na trapiko o malalayo ang patutunguhan bilang mga alibi.

Mayroon ding pumapayag na maghatid ng pasahero kung papayag na magdagdag ng bayad sa pamamagitan ng "kontrata."

Sa ilalim ng panukala, ang mga kumpanya ng taxi, operators at drivers ay pinagbabawalan na tumangging maghatid ng pasahero sa destinasyon nito o magtanong sa pasahero sa kanilang patutunguhan nang hindi pa man nakakapasok sa loob ng taxi.

Ipinagbabawal din sa panukala, ang mag-operate ng isang ruta lamang o kaya’y sa isang piling lugar lamang na taliwas sa kanilang franchise agreement, mangontrata ng pasahero o hindi gumagamit ng metro.

Kabilang sa mga parusa ay ang pagsuspinde o pagpapawalang-bisa sa lisensiya ng mga abusadong driver at ang pagmumulta sa taxi operators o kumpanya,

Ang Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) ay inaatasan din sa hakbangin na magsagawa ng regular na seminar para sa kaalaman ng mga taxi operators at drivers patungkol sa batas na ito. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANG LAND TRANSPORTATION FRANCHISE REGULATORY BOARD

HOUSE BILL

IPINAGBABAWAL

KIM BERNARDO LOKIN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LOKIN

MALOU RONGALERIOS

PARTYLIST REP

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with