Walang hero's burial kay Catchillar,wala ring pension sa pamilya- AFP
November 14, 2003 | 12:00am
Dahil sa nagawang "act of terror," hindi pahihintulutan ng liderato ng AFP na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Navy Ltsg. Ricardo Catchillar matapos na masangkot sa pagtake-over sa control tower ng NAIA noong nakalipas na Sabado.
Bukod dito, tatanggalan rin ng pensiyon si Catchillar dahil maliban sa kapangahasan sa kagimbal-gimbal na pagtake-over sa nasabing tower ay may kaso rin itong polygamy na isinailalim sa court martial ng Judge Advocate Generals Office (JAGO) matapos na magpakasal sa tatlong babae na isang paglabag sa Articles of War 96 (conduct unbecoming of an officer and a gentleman ) ng AFP.
Nilinaw naman ni AFP-Public Information Office chief Lt. Col. Daniel Lucero na tanging ang kontribusyon ni Catchillar sa AFP-Retirement Separation and Benefit System (RSBS) na kawangis ng GSIS ang tanging mapapakinabangan ng pamilya ni Catchillar.
Ayon kay Lucero, walang karapatang mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Catchillar dahil hindi ito sa "line of duty" namatay kaya hindi puwedeng pagkalooban ng heros burial na pribilehiyo ng mga sundalo sa naturang himlayan ng mga bayaning kawal sa Fort Bonifacio, Makati City.
Sa kabila nito, sinabi pa ni Lucero na bagaman hindi maililibing sa Libingan ng mga Bayani si Catchillar ay bibigyan naman ito ng military honor bilang miyembro ng AFP. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest