Namfrel bibigyan na ng accreditation
November 12, 2003 | 12:00am
Binigyan na ng pagkakataon ng Commission on Elections (Comelec) ang National Movement for Free Elections (Namfrel) na mailatag ang kanilang panukala para sa quick count bilang watchdog sa 2004 elections.
Sa Huwebes ay magsusumite ng proposal ang Namfrel sa Comelec kung paano magiging maayos at matiyak ang kanilang gagawing unofficial quick count na siyang pagbabasehan ng komisyon kung ia-accredit ang nasabing grupo.
Inatasan ni Comelec Chairman Benjamin Abalos si Namfrel executive director Guillermo Luz na magsumite ng naturang panukala.
Sinabi ni Abalos kay Luz na dapat tiyakin ng Namfrel na mapapangalagaan ang visibility at reliability ng kanilang vote update na hindi pinagdududahan ng publiko at hindi nalalayo sa tunay na update ng bilang ng boto sa electronic transmission of vote o automated counting machines (ACMs) ng Comelec.
Gagamit na ng automated system ang Comelec di gaya ng Namfrel. Dahil dito, nababahala ang Comelec na baka hindi magtugma ang update ng Comelec at Namfrel na magreresulta ng kalituhan sa publiko.
Naniniwala ang Comelec na mas mainam na huwag mag-accredit ng kahit anong grupo kung magdudulot lamang ito ng confusion sa tao.
Gayunman, nagpahayag ng pag-asa si Abalos sa Namfrel na kung maiaayos nila at magkakaroon ng transparency ito ay walang dapat problemahin.
Ang Namfrel ang nagsilbing watchdog para sa unofficial quick count of votes ng ilang taong pagdaraos ng eleksiyon sa bansa. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest