'Oplan Gray November sinimulan na
November 10, 2003 | 12:00am
Parte umano ng "Oplan Gray November" na kontra sa gobyerno na siyang magpapabagsak sa administrasyong Arroyo ang naganap na siege sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Gayunman, mariing itinanggi kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Oplan Gray November na hinihinalang pinasimulan na ng ilang grupo sa hanay ng militar sa naganap na insidente sa control tower 2 ng NAIA sa Parañaque City noong Sabado.
Ayon kay AFP public information chief Lt. Col. Daniel Lucero, pawang mga produkto ng maruming imahinasyon ang naglalabasang ulat ukol dito.
"Its purely imaginative, a pigment of immagination, theres no truth to it," ani Lucero.
Sinabi ni Lucero na wala rin silang natatanggap na impormasyon na may mga armadong kasamahan na nabigo lamang na makarating sa takdang usapan ng dalawang napaslang na opisyal na sina dating ATO chief ret. Col. Panfilo Villaruel Jr.,60, at Phil. Navy Lt. Sr. Grade Ricardo Catchillar, 38.
Ayon kay Lucero, ngayon lamang nila narinig ang Oplan Gray November pero aminado ang opisyal na nagsagawa sila ng checking at monitoring hinggil sa umuugong na pagkilos ng ilang retiradong military officer na nagsasagawa umano ng troops recruitment para sa planong pagtatayo ng junta ngunit walang nakalap na "collaborative information" ang kanilang intelligence network. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended