Mga artistang politiko bawal na sa tv,pelikula
November 9, 2003 | 12:00am
Pinagbabawalan na sina Pampanga Governor Lito Lapid , Lipa City Mayor Vilam Santos, Parañaque Mayor Joey Marquez at iba pang artista sa paglalabas sa telebisyon at paggawa ng mga pelikula habang nanunungkulan sa pamahalaan.
Ito ang pangunahing kahilingan sa Korte Suprema ng grupong Social Justice Society (SJS) alinsunod sa 11-pahinang petition for review na inihain sa SC ni Atty. Samson Alcantara, pangulo ng SJS, bunsod ng ginawang pagbasura ng trial court judge sa petition for declaratory relief kung saan bukod kay DILG Sec. Joey Lina ay kabilang din sa mga respondents sina Lapid, Santos at Marquez.
Sa ibinasurang petition sa lower court, nais maliwanagan ng SJS kung maaari pang magpatuloy sa pag-aartista ang ilang pulitiko habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin kung ang ginagawang paglabas sa puting-tabing ng mga nabanggit na artista ay bilang bahagi ng kanilang pribadong propesyon at kung ito ay ipinagbabawal ng batas alinsunod sa Local Government Code.
Naniniwala ang SJS na sa sandaling maluklok na sa posisyon sa pamahalaan ang isang artista ay hindi na nito prayoridad ang pag-aartista na ang dapat na lamang atupagin ay ang kanilang mga tungkulin sa bayan. Sa kanyang petition for review, nais ng SJS na balewalain ng high tribunal ang inisyung desisyon ng Manila RTC na nagbasura sa kanilang petisyon dahil sa teknikalidad. (Ulat ni Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest