^

Bansa

Advertisement ng R-18 films sa TV pinatitigil

-
Hinikayat kahapon ni Pampanga Rep. Francis "Blueboy" Nepomuceno ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na ipatigil ang advertisement ng mga R-18 films sa telebisyon.

Ayon kay Nepomuceno, labas sa polisiya ng MTRCB ang advertisement ng mga R-18 films sa telebisyon na nagpapakita ng kalaswaan.

Ang movie promotions aniya para sa telebisyon ay dapat pang-general patronage lamang. Partikular na inihalimbawa ni Nepomuceno ang trailer ng bold film na "Liberated" na pinagbibidahan nina Diana Zubiri, Francine Prieto at Christian Valdez.

Hindi aniya dapat ipinalalabas sa prime time television ang love scenes ng dalawa sa loob ng bathroom dahil hindi ito dapat napapanood ng mga bata.

Hindi rin aniya ito ang unang pagkakataon na nagpalabas ng promotion ng R-18 films sa TV katulad ng "First Time" at "Bugbog Sarado."

Hinikayat din ng solon ang MTRCB na dalasan ang pagtungo sa mga mall dahil dumarami na naman aniya ang mga bastos na posters ng mga pelikulang R-18. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BUGBOG SARADO

CHRISTIAN VALDEZ

DIANA ZUBIRI

FIRST TIME

FRANCINE PRIETO

HINIKAYAT

MALOU RONGALERIOS

MOVIE TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

NEPOMUCENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with