31 Magdalo officers tutuluyan sa kudeta,290 inabsuwelto
November 8, 2003 | 12:00am
Tuluyan nang sasampahan ng kasong kudeta ng Department of Justice (DOJ) sa hukuman ang 31 opisyal ng Magdalo group samantalang inabsuwelto naman sa kaso ang mahigit sa 290 sundalo na lumahok sa bigong Oakwood mutiny.
Sa 24-pahinang resolution na nilagdaan ni Justice Sec. Simeon Datumanong, nanindigan ang DOJ na dapat managot sa kasong coup d etat ang mga pangunahing opisyal na siyang may pakana sa July 27 mutiny.
Sa resolusyon ng 5-man panel of prosecutors, malinaw na nagkasala ang mga junior officers na sina Capt. Gerardo Gambala, Capt. Milo Maestrecampo, Capt. Gary Alejano, Ltsg. Antonio Trillanes, Ltsg. James Layug, Capt. Laurence Somero, Capt. Nicanor Feldon, Capt. Albert Bololoy, Capt. Segundino Ofiano, Capt. John Andres, 1Lt. Audie Tocloy, 1Lt. Von Rio Tayab, 1Lt. Nathaniel Rabonza, 2Lt. Kristoffer Bryan Yasay, 1Lt. Jonnel Sanggalang, 1Lt. Billy Pascua, 1Lt. Francisco Acedillo, Ltsg. Manuel Cabochan, Ltsg. Eugene Louie Gonzales, Ltsg. Andy Torrato, ENS Armand Pontejos, PO3 Cesar Gonzales, Capt. Alvin Ebro ay Ltsg. Arturo Pascua Jr.
Binigyang diin pa sa resolusyon na nagkasala ang 31 matapos planuhin ng mga ito ang pagkubkob sa Oakwood Premier Hotel sa Makati at pagbawi sa sinumpaang katapatan sa Konstitusyon bukod pa dito ang paghiling nila sa pagbaba sa puwesto ni Pangulong Arroyo upang maitaguyod ang National Recovery Program ni opposition Sen. Gregorio Honasan.
Inabsuwelto naman ang mahigit 290 sundalo matapos na mapatunayang walang alam ang mga ito sa insidente at sinasabing inutusan lamang sila ng matataas na opisyal ng Magdalo na magsuot ng armbands at bantayan ang paligid ng nasabing hotel.
Gayunman, hindi ito nangangahulugan na tuluyan na silang lusot sa ibang kaso dahil patuloy silang sumasalalim sa isinasagawang pre-trial investigation panel ng AFP sa General Court Martial dahil sa paglabag sa Articles of War.
Kaugnay nito, patuloy pa ring pinag-aaralan ng DOJ kung isusulong sa hukuman ang kasong kudeta laban kay Sen. Honasan dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin silang natatanggap na kautusan mula sa SC. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 13 hours ago
By Doris Franche-Borja | 13 hours ago
By Ludy Bermudo | 13 hours ago
Recommended