Judge na nanampal kakasuhan
November 7, 2003 | 12:00am
Desidido ang sinampal at sinabunutang court interpreter na si Cathy Loja na ipagharap ng mga kasong kriminal at administratibo si Manila Regional Trial Court Branch 49 Judge Concepcion Vergara.
Ayon kay Loja, presidente ng Court Interpreters Association ng National Capital Region, sasampahan niya ng kasong slight physical injuries sa Manila Prosecutors Office dahil sa pananampal sa kanya ni Vergara, samantala administratibo naman ang kanyang ihahain sa Supreme Court-Office of the Court Administration (SC-OCAD).
Iginiit ni Loja na ang kanyang pagsasampa ng kaso kay Vergara ay upang hindi na maulit pa sa iba ang ginawa ng hukom sa kanya.
Bilang pagsuporta na rin kay Loja, magsasagawa ng malawakang rally ang mga rank and file employees ng RTC at Metropolitan Trial Court sa darating na Lunes, Nobyembre 10.
Bunsod nito kaya posibleng maparalisa ang mga transaksiyon sa mababang hukuman sa Metro Manila dahil sa pagsama ng may 25,000 miyembro ng Alliance of Court Employees Asso. of the Philippines (ACEAP). (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am