Libong empleyado ng yosi mawawalan ng trabaho
November 7, 2003 | 12:00am
Pinangangambahang mawalan ng trabaho ang mahigit sa 1,000 empleyado ng gumagawa ng sigarilyo sa sandaling maipatupad ang 400 porsiyentong excise tax ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ito ang kinatatakutang mangyari ng may 1,200 mga empleyado ng La Suerte Cigar and Cigarette Factory na matatagpuan sa South Superhighway, Parañaque City.
Sa sama-samang pahayag nina Eva Catlico, presidente ng Monthly Rated Rank & File Ind.; Ester Manangan, presidente ng Nagkakaisang Manggagawa sa La Suerte at Danilo Hernandez, presidente ng Supervisors Union, sang-ayon sila sa mga programa ng gobyerno upang iangat ang ekonomiya ng bansa at mapataas ang koleksiyon ng buwis, subalit nangangamba umano sila sa ginawa ng BIR sa natitira nilang dalawang brand ng sigarilyo na Astra at Memphis.
Bunsod sa pagtaas ng presyo ng kanilang brand ng sigarilyo na mula sa P8 ay magiging P12.50 kaya di malayong tuluyang humina ang produkto nila at mawala sa merkado hanggang sa tuluyang mawalan ng trabaho ang mga empleyado dito.
Nanawagan din ang mga empleyado ng La Suerte kay Finance Sec. Isidro Camacho na aksiyunan ang kanilang reklamo dahil sa pagpirma umano nito na tanging ang kumpanya lamang nila ang pinagbabayad ng 400 porsiyentong excise tax kung saan hindi patas na maituturing para sa ibang kumpanya ng sigarilyo. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 9 hours ago
By Doris Franche-Borja | 9 hours ago
By Ludy Bermudo | 9 hours ago
Recommended