Impeachment kay Davide,illegal
November 6, 2003 | 12:00am
Labag sa Saligang Batas ang ikalawang impeachment na inihain sa Kongreso laban kay Supreme Court Chief Justice Hilario Davide.
Ito ang nag-iisang opinyong iprinisinta ng limang "Friends of Court" sa unang araw ng oral argument kahapon na kumukuwestiyon sa legalidad ng naturang impeachment complaint.
Nakahanap ng kakampi si Davide sa mga nagsulat ng 1987 Constitution na inimbitahan ng Korte Suprema para magbigay ng kanilang opinyon sa legalidad ng ikalawang complaint.
Kumampi kay Davide sina CA Justice at Con-Con delegate Regalado Maambong, dating SC Justice Florenz Regalado, Dean Raul Pangalangan, ex-Senate president Jovito Salonga at Fr. Joaquin Bernas.
Sa kanilang pahayag, depektibo ang ikalawang reklamo dahil hindi sinunod ang Konstitusyon na ang mga nakapirma ay dapat complainant lahat at hindi nag-endorso lang.
Hindi rin dapat maisulong ang dalawa o higit pa na impeachment complaint sa loob ng isang taon.
Legal naman ang pagsusulong ng ikalawang impeachment para kina dating Justice Minister Estelito Mendoza, ex-SC Justice Hugo Gutierrez at dating UP Dean Pacifico Agabin.
Iginiit pa nina Regalado at Maambong na nakasaad sa Article 8 Section 1 ng Konstitusyon na mayroong kapangyarihan ang Mataas na Hukuman para hawakan o dinggin ang kaso kung mayroong pag-abuso ang isang sangay ng gobyerno maging ito man ay executive, legislative o judiciary.
Hindi rin umano maaaring pakialaman ng SC ang anumang political question na tangan ng Malacañang o Kongreso maliban kung magkakaroon ng pag-abuso sa tungkulin ang mga ito para mauwi sa certiorari sa ilalim ng rules 65 ng rules of court.
Inaasahan namang aabutin pa ng dalawa hanggang sa tatlong araw ang pagdinig ng SC kung mayroon silang hurisdiksiyon para hawakan ang nasabing kaso o tuluyan nilang ibabasura na lamang ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended