Judge nanampal sa Korte
November 6, 2003 | 12:00am
Dahilan sa pagtatalo sa Judiciary Development Fund (JDF) at pagtatanggol kay Chief Justice Hilario Davide, sinampal ng isang hukom ang kanyang court interpreter sa loob mismo ng kanilang opisina sa Manila Regional Trial Court (RTC) sa Manila City Hall.
Pasado ala-una ng hapon ng umanoy sampalin at hilahin ang buhok ni Branch 49 Judge Concepcion Vergara ang kanyang court interpreter na si Cathy Loja.
Nabatid na bago nagsimula ang insidente ay narinig umano ni Judge Nympha Vilches ang ilang empleyado ng RTC na nagrereklamo tungkol sa kanilang allowance kung saan tanging ang mga judges lamang umano ang nakakatanggap ng mga benepisyo mula sa kontrobersiyal na JDF.
Ikinuwento naman umano ni Judge Vilches kay Judge Vergara ang kanyang narinig at napagbuntunan ng huli si Loja na presidente ng Court Interpreters Association sa Manila.
Nagkaroon ng pagtatalo sina Vergara at Loja hanggang sa bigla na lamang umanong sinampal ni Vergara ng dalawang beses si Loja at hinila ang buhok nito.
Napikon umano si Vergara dahil sinagot ito ni Loja na hanapin ang mga empleyado na nagkalat ng balita tungkol sa JDF.
"Matagal na kaming nagtitiis. Minumura niya kami, hinihiya niya kami sa publiko pero hindi kami nagrereklamo. Itong sinaktan niya ako, ibang usapan na ito kaya magsasampa ako ng reklamo," ayon kay Loja. Samantala, pinabulaanan naman ni Judge Vergara ang nasabing alegasyon at sa halip ay ipinaliwanag nito na kaya niya nasampal si Loja ay dahil sa mali ang perception nito na sinundan pa ng mataas na boses na kanyang ikinairita.
"I told her to stop but she tried to outsmart the tone of my voice. I am the judge here so I should be the one to prevail," sabi pa ni Vergara sa panayam.
Iginiit pa ni Vergara na dalawang beses niyang binalaan si Loja na sasampalin niya ito kapag hindi ito tumigil ng kakasigaw subalit hindi umano niya ito naawat dahilan para sampalin nga niya ito.
"It was not the issue that irritated me but the tenor of her voice. In my length of service as a judge, no one ever answered me back that way," ayon kay Vergara, 65, na dati ring judge sa Angeles City ng pitong taon bago nagtungo sa Manila RTC noong 1996. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest