Davide rally papasukan ng terorista
November 5, 2003 | 12:00am
Malamang humalo ang mga terorista sa grupo ng mga demonstrador na nagpaplanong maglunsad ng malawakang rally kaugnay ng kinakaharap na impeachment ni Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr.
Ito ang babala at pangambang inihayag kahapon ni AFP-Public Information Office chief Lt. Col. Daniel Lucero matapos na isailalim sa red alert ang puwersa ng militar.
"We would like to remind the rallyists that there is a big possibility that they might be infiltrated," sabi ni Lucero.
Pinaalalahanan ni Lucero ang mga magsasagawa ng kilos protesta na mag-ingat at bantayan ang kanilang mga hanay para masigurong hindi sila mapapasukan ng mga teroristang walang pakay kundi ang maghasik ng kaguluhan at makapinsala ng buhay at kabuhayan ng mga tao.
Sinabi ni Lucero na masusing pagbabantay ang isasagawa ng Task Force Libra sa magsisipag-rally maging pro at anti-Davide camp.
Ang Task Force Libra ang tropa ng militar na ginamit ng AFP sa pagtatanggol sa Malacañang noong May 1, 2001 nang lusubin ng nagwalang mga loyalista ni dating Pangulong Estrada ang Palasyo.
Kabilang sa lugar kung saan ipakakalat ang tinatayang may 2,000 kasapi ng Task Force Libra ay ang Edsa shrine samantala itinuturing rin na mga "critical areas" ang Makati City na sinakop ng Magdalo group na naglunsad ng mutiny noong Hulyo 27, Commonwealth Avenue at Mendiola malapit sa bisinidad ng Malacañang Palace.
Maliban sa Task Force Libra ay may naka-standby pang isang batalyon ng mga sundalo sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo para magresponde sakaling sumiklab ang mga kaguluhan.
Kasabay nito, muling nagdeklara ng "red alert status" ang PNP kaugnay na rin ng posibleng pagsiklab ng kaguluhan sa ilulunsad na rally ng mga pro at anti-Davide. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended