^

Bansa

'Naninira' sa DPWH sec. pina-NBI

-
Pinaiimbestigahan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Florante Soriquez sa National Bureau of Investigation (NBI) ang grupong Aniban ng Maralitang Pilipino upang tiyakin na hindi ito "fictitious group."

Bunsod nito kung kaya hinamon ni Soriquez ang pangulo ng grupong Aniban na si Randy Tolentino na humarap sa kanila upang hindi sila maakusahan na ginagamit lamang ng isang suspendidong opisyal ng DPWH upang buhayin ang kasong P27 bilyong megadike scam noong 1996 kung saan matagal nang inalis sa kaso ang nasabing kalihim.

"Hinihintay na lamang namin ang resulta ng imbestigasyon ng NBI kung talagang nag-e-exist ang grupong Aniban ni Randy Tolentino para magkaliwanagan na kami," ayon pa kay Soriquez.

Nakatanggap din umano ng impormasyon si Soriquez na kinontrata ang grupong Aniban upang magsagawa ng umano’y panawagan sa Sandiganbayan para ipursige ang 90 days suspension order lamang sa kanya na isang paraan ng sinuspindeng opisyal ng DPWH upang mabuweltahan lamang siya.

Pinabulaanan din ni Soriquez ang akusasyon na may 24 pa siyang nakabinbing kaso sa Ombudsman dahil base sa sertipikasyon ni Lourdes Salazar, graft investigator, ang dalawang kasong kinasasangkutan nito kaugnay sa anti-lahar project sa Pampanga ay inabsuwelto na siya sa kasong faulty design habang sa faulty construction ay wala talaga itong kinalaman dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANIBAN

BUNSOD

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GEMMA AMARGO

LOURDES SALAZAR

MARALITANG PILIPINO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RANDY TOLENTINO

SECRETARY FLORANTE SORIQUEZ

SORIQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with