Sinabi ni Sen. Pimentel, ang impeachment ay isang political act at tanging ang Senado bilang impeachment court ang mayroong hurisdiksiyon hinggil dito gaya ng nakasaad sa article XI ng 1987 Constitution.
Ginawa ni Pimentel ang Ex Abudante Cautela makaraang magpalabas ng status quo order ang SC sa Senado at Kamara matapos lagdaan ng mahigit 80 kongresista ang impeachment proceedings laban kay Justice Davide.
Ayon kay Pimentel, ang paghahain niya ng motion to intervene ay matapos atasan sa status quo order ang Senado na huwag tatanggapin ang anumang magiging transmittal ng House of Representatives kaugnay sa articles of impeachment laban kay Davide.
Ipinaliwanag pa ni Pimentel, hindi naman nangangahulugan na sakaling tanggapin ng Senado ang articles of impeachment na magmumula sa Kamara ay nahusgahan na si Davide.
Wika pa ng senador, sa sandaling matanggap ng Senado ang articles of impeachment ay pag-aaralang mabuti ito ng korte at mga hukom kung tama ba ang alegasyon ng mga kongresista.
Sakaling matuklasan na wala namang impeachable offense sa alegasyon laban kay Davide ay puwedeng agarang ibasura ito dahil sa kawalan ng batayan. (Ulat ni Rudy Andal)