Court employees naghahabol sa JDF
November 4, 2003 | 12:00am
Pursigido ang Alliance of Court Employees Association of the Philippines (ACEAP) na ituloy sa kanilang paglilinaw kung kumpleto sa nakatakda sa batas ang kanilang tinatanggap na cost of living allowance buhat sa Judiciary Development Fund (JDF).
Taliwas sa ilang mga ulat, sinabi ng ACEAP na hindi sila papayag na pagamit para lamang sa persekusyon ni Chief Justice Hilario Davide Jr.
Idiniin ng grupo na ang mga agrabyado sa usapin ng JDF ay ang 25,000 rank and file personnel ng hudikatura at ang kanilang tinig ang marapat marinig dahil ang kapakanan nila ang nakataya.
"Humihingi kami ng full disclosure at transparency na humantong sa mga pagdinig sa Kongreso at sa impeachment charge dahil sa pagkatigil ng aming allowances para sa bigas, medikal at hazard pay at dahil sa pagbabawas sa aming amelioration pay at JDF allowance simula nang maging Chief Justice si Kgg. Hilaro Davide," anang ACEAP.
Ang mga pagbabawas na ito ay sa kabila ng pagtaas ng mga nakolektang filing fees at ng katumbas na paglaki ng 80% bahagi ng JDF ng judiciary personnel.
Humihingi ang ACEAP ng mabilisang resolusyon sa "kawalan ng hustisya" para sa kanila "umabot man ito sa impeachment at disciplinary action laban sa aming sariling Chief Justice." (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am