Sinabi ni Usec. Gacis ng dumalo ito sa budget hearing ng DND at AFP sa Senado, walang interceptor aircraft ang militar para hadlangan ang anumang balakin ng mga terorista na atakihin ang Malampaya sa pamamagitan ng aerial attack.
Aniya, ang dalawang M-520 helicopters na dapat ay magsisilbing bantay sa nasabing proyekto ay kasalukuyang ginagamit para sa ating counter-insurgency activities kaya wala tayong sasakyang panghimpapawid na nagsisilbing tanod sa Malampaya.
Bukod dito, wika pa ng opisyal, wala rin umanong pondong inilaan ang pamahalaan sa ilalim ng pambansang budget para sa seguridad nito.
Idinagdag pa ni Gacis, kailangan na magkaroon tayo ng seguridad sa nasabing gas project at magtatanod lalo na kung gabi upang mahadlangan sakaling may banta dito. (Ulat ni Rudy Andal)