^

Bansa

Malampaya gas project delikado sa terorista

-
Inamin kahapon ni Defense Undersecretary Feliciano Gacis na hindi malayong maging target ng mga terorista ang Malampaya Gas project sa Palawan tulad ng ginawa sa World Trade Center sa New York dahil wala tayong mga gamit at kakayahan para matunugan ito sakaling gumamit ang mga terorista ng air attack.

Sinabi ni Usec. Gacis ng dumalo ito sa budget hearing ng DND at AFP sa Senado, walang interceptor aircraft ang militar para hadlangan ang anumang balakin ng mga terorista na atakihin ang Malampaya sa pamamagitan ng aerial attack.

Aniya, ang dalawang M-520 helicopters na dapat ay magsisilbing bantay sa nasabing proyekto ay kasalukuyang ginagamit para sa ating counter-insurgency activities kaya wala tayong sasakyang panghimpapawid na nagsisilbing tanod sa Malampaya.

Bukod dito, wika pa ng opisyal, wala rin umanong pondong inilaan ang pamahalaan sa ilalim ng pambansang budget para sa seguridad nito.

Idinagdag pa ni Gacis, kailangan na magkaroon tayo ng seguridad sa nasabing gas project at magtatanod lalo na kung gabi upang mahadlangan sakaling may banta dito. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ANIYA

BUKOD

DEFENSE UNDERSECRETARY FELICIANO GACIS

GACIS

IDINAGDAG

MALAMPAYA

MALAMPAYA GAS

NEW YORK

RUDY ANDAL

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with