Ito ang nagkakaisang pahayag nina Sen. Manuel Villar, chairman ng committee on foreign relations at Sen. Joker Arroyo, chairman ng committee on public services, sakaling balewalain ni Pangulong Arroyo ang Senado upang isumite ang RP-US air treaty sa ratipikasyon nito.
Ayon kina Senators Serge Osmeña III, Robert Jaworksi at Ralph Recto, maliwanag ang isinasaad ng ating Konstitusyon partikular sa section 4 at 21 ng article 7 na ang kapangyarihan na aprubahan o ibasura ang anumang kasunduan ay nasa Senado at hindi sa Executive Department.
Wika ni Sen. Recto, kahit nag-lapsed ang taning upang maipatupad nitong September 30 ang nasabing kasunduan ay maikukunsiderang imbalido ito kung hindi ito niratipikahan ng Senado sang-ayon sa ating Saligang Batas. (Ulat ni Rudy Andal)