^

Bansa

Mga Senador binalaan ni GMA sa Air Treaty

-
Nagbabala kahapon ang mga senador na labag sa Konstitusyon sakaling ipatupad ni Pangulong Arroyo ang 1982 RP-US Air Transport Agreement nang hindi ito niraratipikahan ng Mataas na Kapulungan.

Ito ang nagkakaisang pahayag nina Sen. Manuel Villar, chairman ng committee on foreign relations at Sen. Joker Arroyo, chairman ng committee on public services, sakaling balewalain ni Pangulong Arroyo ang Senado upang isumite ang RP-US air treaty sa ratipikasyon nito.

Ayon kina Senators Serge Osmeña III, Robert Jaworksi at Ralph Recto, maliwanag ang isinasaad ng ating Konstitusyon partikular sa section 4 at 21 ng article 7 na ang kapangyarihan na aprubahan o ibasura ang anumang kasunduan ay nasa Senado at hindi sa Executive Department.

Wika ni Sen. Recto, kahit nag-lapsed ang taning upang maipatupad nitong September 30 ang nasabing kasunduan ay maikukunsiderang imbalido ito kung hindi ito niratipikahan ng Senado sang-ayon sa ating Saligang Batas. (Ulat ni Rudy Andal)

AIR TRANSPORT AGREEMENT

EXECUTIVE DEPARTMENT

JOKER ARROYO

KONSTITUSYON

MANUEL VILLAR

PANGULONG ARROYO

RALPH RECTO

ROBERT JAWORKSI

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with