Metro judges welga
October 28, 2003 | 12:00am
Posibleng maapektuhan ang mga kasong dinidinig ngayon sa mga korte, matapos maglunsad kahapon ng "mass leave" ang mga judges upang suportahan si Supreme Court Chief Justice Hilario Davide sa kinakaharap nitong impeachment at upang isalba ang hudikatura sa bansa.
Binoykot ng may 20 huwes sa Makati Regional Trial Court at anim sa Metropolitan Trial Courts ang kanilang mga hearing at nagkaisa na hindi sila didinig ng mga kaso hanggat hindi natatapos ang gusot sa Judiciary lalu na ang kinakaharap na kontrobersiya ni Justice Davide.
Nakiisa rin ang mga huwes sa Muntinlupa, Pasig at Parañaque at nagmotorcade papuntang Kongreso bilang pagpapakita ng kanilang suporta kay Davide.
Nabatid kay Executive Judge Sixto Marella Jr., ng Makati City RTC Branch 138, tutol sila sa impeachment kay Davide, dahil kapag nangyari ito ay mawawalan na ng tiwala ang publiko sa sistema ng hudikatura.
Ang welga sa Makati ay sinabayan rin ng malawakang kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Korte Suprema sa Padre Faura, Maynila na dinaluhan ng daan-daang mga hukom, abogado at empleyado ng hudikatura.
Nagpahayag din ng buong suporta kay Davide ang Metro Manila Mayors League at hindi lamang ang mga huwes dito sa Maynila magkakaroon ng pag-aaklas kundi maging sa ibat ibang korte sa buong bansa.
Bilang bahagi ng protesta, naglagay ng black armband at nagsuot ng itim na damit ang mga huwes at empleyado habang sumisigaw tangan ang mga placard na may nakasulat na "Save Davide, Save Judiciary."
Nangako naman ang mga ito na matapos lamang ang gusot sa judiciary ay babalik na sila sa kanilang mga trabaho at kanilang titiyakin na magtutuluy-tuloy na ang pagdinig ng mga kasong hawak nila.
At kung kinakailangan anyang mag-overtime sila matapos lang ang pagresolba ng mga kasong nasa sala nila ay kanilang gagawin. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended