Ipadala ng maaga ang mga sulat

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga sulat at parcels ngayong kapaskuhan, hinikayat kahapon ng Philippine Postal Corporation (PPC) ang publiko na maagang magpadala ng sulat, Christmas cards at parcels upang matiyak na makararating sa kinauukulan sa takdang panahon.

Kung maaari, ani Villanueva, kailangang naipadala na ang mga sulat bago sumapit ang Dec. 8 nang maiwasan ang Christmas rush.

Tiniyak ni Villanueva na makararating sa takdang panahon ang mga sulat dahil na rin sa malawak na mail network nito at pagdaragdag ng mechanized facilities sa Central Mail Center sa Pasay City.

May karagdagan ding 40 bagong mail vans na makatutulong sa mobilisasyon ng mga sulat sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Pinaalalahan din ni Villanueva ang publiko na mapanganib ang paglalagay ng pera sa sulat. Sa halip ay makabubuting gamitin ang money order system sa pagpapadala ng salapi. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments