Galamay ni Bin Laden timbog
October 24, 2003 | 12:00am
Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Jordanian national na umanoy miyembro ng Al-Qaeda terror group sa bansa at "kasabwat" ng bayaw ni international terrorist Osama bin Laden.
Kinilala ni BI Commisioner Andrea Domingo ang suspek na si Mahmoud Afif Abdeljalil, 36, na noon pang Setyembre 25, 2003 nahuli at kasalukuyang nakapiit sa BI matapos itong maaresto sa Zamboanga City.
Subalit matapos ang halos isang buwan na tactical interrogation ay nadiskubre ng BI na si Abdeljalil ang siyang umanoy "point man" ni Jamal Kahalifah, isang Saudi national na ang asawa ay kapatid ni Bin Laden.
Si Abdeljalil ang pumalit sa puwesto ni Khalifa at siyang namuno sa Mindanao simula ng umalis ng Pilipinas ang huli noong 1994.
Ayon pa kay Domingo, si Abdeljalil ay may asawang Filipina kaya nagkaroon ito ng temporary resident visa mula sa BI noong Oktubre 1995 at nabigo itong mai-extend ng mag-expire ito noong 1998 kaya ikinokonsidera ang suspek na undocumented alien.
Bukod dito, ang bahay din umano ni Abdeljalil sa Zamboanga ang ginagamit na safehouse at meeting place ng mga miyembro ng Al-Qaeda na nag-ooperate sa southern part ng Mindanao.
Nagsisilbing general manager din si Abdeljalil ng isang Zamboanga-base construction firm na umanoy front ng Al-Qaeda upang maka-ipon ng pondo para sa kanilang mga aktibidad dito at sa ibang bansa.
Ikalawa na si Abdeljalil na miyembro ng Al-Qaeda na nalambat ng Immigration. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest