Sa ipinadalang mosyon ni Soriquez sa Sandiganbayan 5th Division, iginiit nito na ang kaso ay hindi dapat isisi sa kanya dahil wala siyang ginagawang pakikipagsabwatan sa contractor ng Pampanga mega dike.
Ipinagdiinan nito na hindi siya maaaring makipagsabwatan sa contractor dahil may overall in-charge sa construction gayong siya ay project engineer lamang ng Anti-Lahar Mt. Pinatubo Project noong 1996.
Nagpahayag din ng pangamba si Soriquez na ang pagbuhay sa nasabing kaso na may pitong taon nang nakakaraan ay posibleng awayan sa loob mismo ng DPWH sa pagitan ng mga opisyal nito kung saan ilang grupo ang nagmamaniobra sa kaso at nasa likod ng black propaganda laban dito.
Sinabi pa nito na mismo ang Sandiganbayan na rin ay nahihirapan na magdesisyon sa kinasasangkutang kaso ng faulty construction ng nasabing mega dike.
Dapat umanong ikonsidera ang mga naunang ebidensiya laban sa kanya kung saan ay napatunayan ng prosecution at mga iniharap na testigo na abswelto siya sa nasabing anomalya. (Ulat ni Gemma Amargo)