Pero hindi pa rin tapos ang problema ni Davide dahil patuloy na umuusad ang ikalawang impeachment complaint na isinusulong naman ng kampo ni businessman Eduardo "Danding" Cojuangco Jr. kung saan umaabot na sa 67 ang mambabatas na lumagda sa impeachment.
Sa isinagawang pagdinig kahapon ng committee on justice kaugnay sa unang impeachment na inihain ni Estrada, 18 sa mga miyembro ng komite ang nagsabing kulang sa substansiya ang reklamo.
Samantala may kinalaman ang pangalawang reklamo sa diumanoy katiwaliang nagawa ni Davide dahil sa maling paggamit ng multi-billion peso Judiciary Development Fund.
Nais ni Nationalist Peoples Coalition Rep. Felix Fuentebella ng Camarines Sur na umabot sa 73 ang lagda upang makuha ang one-third ng 219 congressmen at nang maideretso na kaagad ang reklamo sa Senado. (Ulat ni Malou Rongalerios)