^

Bansa

Impeachment ni Erap vs justices ibinasura na

-
Ibinasura na kahapon ng House committee on justice ang inihaing impeachment complaint ni dating Pangulong Estrada laban kay Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr. at pitong iba pang mahistrado ng SC dahil sa kawalan ng substansiya o "insufficiency in substance."

Pero hindi pa rin tapos ang problema ni Davide dahil patuloy na umuusad ang ikalawang impeachment complaint na isinusulong naman ng kampo ni businessman Eduardo "Danding" Cojuangco Jr. kung saan umaabot na sa 67 ang mambabatas na lumagda sa impeachment.

Sa isinagawang pagdinig kahapon ng committee on justice kaugnay sa unang impeachment na inihain ni Estrada, 18 sa mga miyembro ng komite ang nagsabing kulang sa substansiya ang reklamo.

Samantala may kinalaman ang pangalawang reklamo sa diumano’y katiwaliang nagawa ni Davide dahil sa maling paggamit ng multi-billion peso Judiciary Development Fund.

Nais ni Nationalist People’s Coalition Rep. Felix Fuentebella ng Camarines Sur na umabot sa 73 ang lagda upang makuha ang one-third ng 219 congressmen at nang maideretso na kaagad ang reklamo sa Senado. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

CAMARINES SUR

COALITION REP

COJUANGCO JR.

EDUARDO

FELIX FUENTEBELLA

JUDICIARY DEVELOPMENT FUND

MALOU RONGALERIOS

NATIONALIST PEOPLE

PANGULONG ESTRADA

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with