^

Bansa

Oposisyon nahati kay FPJ

-
Siguradong mahahati ang oposisyon kapag itinuloy ni action king Fernando Poe Jr. ang pagtakbo sa 2004 presidential elections dahil wala ring balak umatras si Sen. Panfilo Lacson na nauna nang nagpahayag ng kanyang kandidatura.

Ayon kay Davao City Rep. Prospero Nograles, ngayon pa lang ay may mga miyembro na ng oposisyon ang nagpahayag ng suporta kay Lacson matapos mapabalita ang pagtakbo ni FPJ.

Pabor anya kay Pangulong Arroyo ang pagtakbo ni FPJ dahil hindi solid ang botong matatanggap ng Pangulo samantalang mahahati naman ang oposisyon.

Ayon naman kay Isabela Rep. Rodolfo Albano, hindi dapat maliitin ng oposisyon ang kakayahan ni Pangulong Arroyo dahil marami na itong napatunayan at may naipapakitang track record sa publiko.

Ani Albano, kung electoral records ang pagbabatayan, si Arroyo ang may hawak ng record ng pinakamataas na botong natanggap na umabot sa 15.74 milyon o 43.26 percent nang mahalal itong senador noong 1995.

Kaugnay nito, sinabi ni Minority Leader Carlos Padilla na kailangan pa ring dumaan sa mahigpit na selection process si "da king" bago ito maging kandidato ng United Opposition.

Hindi aniya exempted si FPJ mula sa kanilang proseso nang pagpili ng kandidato.

Kailangan din aniyang kumbinsihin ni FPJ ang mga miyembro ng oposisyon na siya ang pinakamahusay na kandidato na magdadala ng tagumpay sa United Opposition.

Naniniwala si Padilla na mas marami sa oposisyon ang nagpahayag ng suporta kay Lacson kaysa kay FPJ.

Idinagdag naman ni House Assistant Minority Leader Gilbert Remulla na hindi dapat maging biktima ang oposisyon ng "showbiz mindset" sa pagpili ng kanilang kandidato.

Sinabi pa ni Remulla na bagaman at walang masama kung pumasok sa pulitika ang isang artista, mas mabuti pa rin kung may isang "solid flatform" ang kanyang kandidato para sa 2004. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANI ALBANO

AYON

DAVAO CITY REP

FERNANDO POE JR.

HOUSE ASSISTANT MINORITY LEADER GILBERT REMULLA

ISABELA REP

LACSON

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ARROYO

UNITED OPPOSITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with