Nilinaw ni Dr. Stiller na sila ang humingi ng meeting kay Atty. Villaraza noong February 2002 upang humingi ng payo para mapatalsik ang Cheng group ng PIATCO mula sa pamamahala ng NAIA Terminal 3.
Iginiit ng Fraport na ayaw makialam ng Villaraza law firm lalo kapag magiging disadvantageous ito sa Arroyo government at lalong walang katotohanan na humingi ng $20 milyon ang Villaraza para dito at lalong hindi totoo na nangangalap ng pananalapi ang Villaraza law firm para kay Pangulong Arroyo.
Kasabay nito, inimbitahan ng senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Sen. Joker Arroyo ang Fraport na dumalo sa isasagawang pagdinig ng Senado ukol sa naging reklamo nito sa International Center for Settlement of Investment Desputes (ICSID) kaugnay sa umanoy extortion ng 3 matataas na opisyal ng Arroyo government. (Ulat ni Rudy Andal)