Isang resolusyon ang nakatakdang ipalabas ng DOJ na tuluyang nagbabasura sa kasong frustrated murder laban kay Al-Ghozi bunga ng pagkakasangkot nito sa pambobomba sa bahay ni Philippine Ambassador to Indonesia Leonides Caday.
Nagdesisyon ang DOJ na idismis na ang kaso laban kay Al-Ghozi dahil itinuturing na itong moot and academic dahil patay na ang taong kanilang uusigin.
Nilinaw ng DOJ na nakasaad sa Revised Penal Code na ang pagkamatay ng isang akusado ay nangangahulugan lamang ng pagbasura rin ng demanda laban sa kanya.
Magugunita na binomba ang Embahada ng Pilipinas sa Indonesia noong Agosto 1,2000 na muntik na itong ikamatay ng nasabing envoy makaraang pasabugin ang isang Suzuki van malapit lamang sa bahay nito.
Kasama rin sa mga nasugatan ang driver na si Ebenheizer Willem Wonua na nooy kasama ni Caday sa loob ng kanyang sasakyan. (Ulat ni Grace dela Cruz)