Ayon sa isang source sa Kamara, masyadong nakakabigla ang media advisory kaugnay sa lokal na pagkain sa Pilipinas na posibleng makalason sa foreign journalists na pinangungunahan ng CNN at ABC at 22-close-in writers na dadalo sa joint session ng Kongreso ngayong hapon.
Sinabi pa ng source na may travel advisory din kaugnay sa pagkain ang ipinalabas para sa mga banyagang mamamahayag na kokober sa Asia Pacific Economic cooperation (APEC) meeting sa Bangkok, Thailand kung saan isa sa mga delegado si Bush.
Malaki aniyang sampal sa Pilipinas ang nasabing media advisory dahil na rin sa balitang gagastos ang Malacañang ng nasa P.5 milyon para sa preparasyon sa pagkain sa state visit ni Bush.
Ayon umano sa isang White House coordinator, pinag-iingat lamang nila ang mga foreign journalists na hindi sanay sa Filipino dish. (Ulat ni Malou Rongalerios)