Banat ni Lacson sa SC mababang uri
October 17, 2003 | 12:00am
"Kung baga sa alahas, walang uri at hindi ginto ang ginawang pag-atake ni Senador Panfilo Lacson sa Supreme Court."
Ito ang ginawang reaksiyon ni Atorni Jesus Santos, counsel para kay FG Mike Arroyo, kaugnay sa paghamon ni Sen. Lacson ng debate sa mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng bansa.
Aniya, nagpakababa ng uri si Lacson sa binitawan nitong banat laban sa Korte Suprema dahil lamang sa hindi naging pabor para sa senador at sa mga akusado ang ginawang desisyon kaugnay sa muling paglilitis ng kontrobersiyal na Kuratong Baleleng rubout case.
"Dapat alam niya na bilang isang halal na bayan, responsibilidad niyang itaguyod ang batas sinuman ang tatamaan nito," ayon sa batikang trial at litigation lawyer.
Naniniwala rin si Santos na tila galit na sa mundo si Lacson dahil sa mga ginagawang atake ng senador hindi lamang sa SC at sa pamilyang Arroyo kundi maging sa mga institusyon na wala namang kinalaman sa kanyang ambisyon sa pulitika.
Pinaalalahanan pa ng abugado si Lacson na dapat igalang ang kamahalan at katanyagan ng batas at ng due process o mabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili sa harap ng hukuman.
"Hinihikayat ko siya na magnilay-nilay at maging totoo sa mga problemang hinaharap nito ngayon, naaawa ako sa kanya bilang isang abugado dahil nawawala na ang natitira pang kredibilidad ng kanyang pagkatao, hindi dapat balewalain ang nawawala nang tiwala ng kanyang mga tagasuporta at ng taumbayan," apela pa ni Santos kay Lacson. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest