Proteksiyon sa child labor ipinasa ng Senado

Ipinasa ng Senado ang Magna Carta for the Working Child upang mabigyan ng proteksiyon ang mga kabataan mula sa pag-aabuso sa kanilang karapatan sa mga pagawaan.

Sinabi ni Sen. Ramon Magsaysay Jr., sponsor ng magna carta, ang mga kabataan ay dapat lamang bigyan ng proteksiyon mula sa pagsasamantala sa kanilang kahinaan bilang pagtupad sa probisyon sa Internatial Labor Organization.

Ayon kay Magsaysay, marami sa ating mga kabataan ang napipilitang pumasok sa trabaho sa murang edad dahil sa kahirapan subalit inaabuso naman ang kanilang karapatan.

Lagda na lamang ni Pangulong Arroyo ang hinihintay upang maging ganap na batas ang Magna Carta for the Working Child. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments