^

Bansa

Armas kontra terorismo di na problema

-
Sa pagdedeklara ni US President George Bush sa Pilipinas bilang isang major non-NATO ally, nalagay ang buong bansa sa posisyon ng mga nangunguna sa giyera laban sa international terrorism.

Sa inilabas na memorandum kay US Sec. of State Colin Powell, sinabi ni Bush na ang designasyong ito ay inisyu alinsunod sa Foreign Assistance Act of 1961 at sa batas na nagbibigay regulasyon sa US arms exports.

Subalit para mapagbuti ang kakayahang labanan ang terorismo, kailangang armasan ang bansa ng top-of-the-line detection and surveillance equipment sa mga entry points tulad ng airports at seaports.

Batid ng lahat kung gaano kalaking halaga ang magagastos para sa high-tech gear na kakailanganin ng bansa. At sa dinaranas na kakulangan sa pondo ng gobyerno, mahihirapang lumikom ng sapat na salaping pambili ng mamahaling kagamitan.

Subalit ngayon, hindi na kailangan pang maglabas kahit isang sentimo ng gobyerno para makakuha ng mga kakailanganing kagamitan laban sa terorismo.

Ito’y dahil sa isang lokal na kumpanyang nag-aalok na mag-install ng makabagong x-ray detection systems sa ilalim ng built-operate-transfer (BOT) scheme, isang totally-no-cash-out arrangement na tiyak na magdudulot ng tagumpay para sa mga proyektong pang-imprastraktura at transportasyon.

Ang A.T. Intergrouppe Inc., ang exclusive distributor ng AS & E x-ray systems na ginagamit ngayon ng maraming bansa gaya ng US.

Sinabi ni Albert Tan, president ng A.T. Intergrouppe, kay Customs Commissioner Antonio Bernardo na handa silang gastusan ang may limang truck ng mobilesearch, isang X-ray system on wheels, para sa modernisasyon ng ahensiya.

Kabilang sa kanilang mga produkto ang Shaped Energy, isang hi-tech energy cargo inspection system na may kasamang Backscatter technology. Ang Shaped Energy ay makapagbibigqay ng pinaka-reliable na paraan ng pag-detect ng mga mapanganib na materyales, armas at mga bombang nakatago sa mga trak at iba pang uri ng sasakyan.

Mayroon din silang Bodysearch machine para maging kapalit ng makaubos-oras na strip at pat-down searches. Sa pamamagitan nito,madali lamang makita kung may kontrabandong nakatago sa katawan ng isang tao. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ALBERT TAN

ANG A

ANG SHAPED ENERGY

CUSTOMS COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

ELLEN FERNANDO

FOREIGN ASSISTANCE ACT

INTERGROUPPE INC

ISANG

PRESIDENT GEORGE BUSH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with