^

Bansa

Delivery van na kayang mag-detect ng droga,bomba

-
Narito na sa bansa ang isang delivery van na kayang malaman ang illegal drugs at plastic explosives kahit nakasakay pa ito sa container van o nasa loob ng warehouse.

Ang Z Backscatter Van (ZBV) na eksklusibong ipinamamahagi ng A.T. Intergrouppe Inc. ay matatagpuan sa Sun Valley service road, Parañaque City.

Ayon kay Albert Tan, presidente ng A.T. Intergrouppe Inc. at representative ng American Science and Engineering Inc. (AS & E), kayang makunan ng litrato ang laman ng isang container van sa pamamagitan ng photo-like imaging nito.

Magagamit ng gobyerno at pulisya ang ZBV na ito sa kanilang pakikibaka laban sa terorismo at kriminalidad tulad ng pagsasagawa ng checkpoints kung saan ay hindi na kailangang siyasatin pa ang nilalaman ng isang behikulo dahil kayang malaman ng ZBV gamit ang kanilang modernong teknolohiya kung mayroon itong illegal drugs o sakay ng mga explosives.

Aniya, ang ZBV ay dadaanan lamang ang isang sasakyan na kahina-hinala ang karga at agad na nitong malalaman ang laman ng van o sasakyang ito gamit ang kanilang high-speed X-ray inspection tool.

Maging ang mga radioactivity tulad ng gamma rays at neutrons na gamit sa paglikha ng bomba ay kayang mabatid nito sa pamamagitan ng AS & E radioactive threat detection (RTD) technology.

"The ZBV will present an image of bulk organic material located behind 6mm of steel when scanned from a distance of 1.5 meters and the system will provide visible differentiation between organic and inorganic materials and it could observe the contents of an automobile trunks and bulk contraband concealed under steel body of vehicles and also capable of providing useful images at distance up to 4.5 meters," wika pa ni Tan. (Ulat ni Rudy Andal)

ALBERT TAN

AMERICAN SCIENCE AND ENGINEERING INC

ANG Z BACKSCATTER VAN

ANIYA

AYON

INTERGROUPPE INC

MAGAGAMIT

NARITO

RUDY ANDAL

SUN VALLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with