^

Bansa

Halamang gamot binigyang importansiya ng Kongreso

-
Inaprubahan na ng House committee on health ang panukalang Pharmaceutical Research Bill na inaasahang makakatulong sa pagpapalawak nang paggamit ng mga lokal na halamang gamot o medicinal plants.

Ayon kay Cebu Rep. Antonio Yapha Jr., chairman ng komite, sa kasalukuyan tanging limang medicinal plant products ang kinikilala o inaprubahan ng Bureau of Food and Drugs na ibenta sa pamilihan.

Ang mga ito ay Lagundi (para sa ubo at asthma); Yerba Buena (pain); Sambong (mild hypertension;);Tsaang Gubat (colic) at Akapulko (tinea infections).

Umaasa si Yapha na sa pamamagitan nito ay makatipid ang pamahalaan at maging self-sufficient sa pangangailangang gamot ng sambayanang Pilipino.

Kapag naging ganap na batas, hindi lamang nito matutulungan ang local pharmaceutical industry na maging competitive kundi makakatulong din ito sa pagbibigay ng trabaho.

Sa ilalim kasi ng panukala, binibigyan nito ng preferential use ang paggamit sa Filipino labor, indigenous materials at locally produced goods.

Matututo rin aniya ang industriya na huwag masyadong umasa sa dayuhang teknolohiya at sa halip sa sariling kakayahan ng mga Pinoy at sa masaganang natural resources ng bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

AKAPULKO

ANTONIO YAPHA JR.

AYON

CEBU REP

INAPRUBAHAN

KAPAG

MALOU RONGALERIOS

PHARMACEUTICAL RESEARCH BILL

TSAANG GUBAT

YERBA BUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with