^

Bansa

Task force magbabantay sa pasilidad ng gobyerno

-
Isang task force ang itinatag ni Pangulong Arroyo na magpapatupad ng komprehensibo at pinagsanib na mga hakbang pangseguridad para mapangalagaan ang mga sensitibong imprastraktura ng bansa laban sa pagsalakay ng mga terorista.

Ang Task Force for the Security of Critical Infrastructures sa ilalim ng Cabinet Oversight Committee for Internal Security ay pamumunuan ni Deputy Presidential Adviser for Special Concerns Undersecretary Abraham Purugganan.

Partikular na bibigyang proteksiyon ng task force ang mga pasilidad ng cyber-based systems na importante sa operasyong pangkabuhayan ng bansa; mga planta ng kuryente, power transmission at distribution facilities, imbakan ng langis, mga tulay, gov’t at private establishments at mga pasilidad na sentro ng kalakalan at pananalapi ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na ang pamahalaan ay tahimik na gumagawa ng pagbabantay kontra terorista na lumilibot sa rehiyon.

Gayunman, pinawi ng Pangulo ang pangamba ng mamamayan sa mga sinasabing pagsalakay ng terorista dahil pinatalas at pinalawak na ang pakikipagtulungan ng bansa sa mga ASEAN nations para pigilin ang mga ito na kumilos sa hangganan ng Pilipinas at mga kalapit na bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANG TASK FORCE

CABINET OVERSIGHT COMMITTEE

DEPUTY PRESIDENTIAL ADVISER

INTERNAL SECURITY

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SECURITY OF CRITICAL INFRASTRUCTURES

SPECIAL CONCERNS UNDERSECRETARY ABRAHAM PURUGGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with